Psalms 122

1Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.” 2Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem. 3Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag.

4Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh. 5Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David.

6Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! Sila ay giginhawa na nagmamahal sa inyo. 7Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob ng inyong mga pader at kaginhawahan sa inyong mga tore.

8Para sa mga kapakanan ng aking mga kapatid at kasamahan, sasabihin ko ngayon, “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa inyo.” Para sa kapakanan ng tahanan ni Yahweh na ating Diyos, mananalangin ako para sa inyong ikabubuti.

9

Copyright information for TglULB